MANILA, Philippines – Pinuri ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng batas na nagtatatag sa government-funded voucher assistance program na magpapalawak sa access ng mga estudyante sa dekalidad na basic education.
Noong Biyernes, Nobyembre 20 ay pinirmahan kasi ni Marcos ang Basic Education Voucher Assistance Act, o Republic Act No. 12327.
Layon nito na magbigay ng financial assistance sa mga kwalipikadong mag-aaral at makapili ang mga ito ng paaralan na makatutugon sa kanilang pangangailangan.
“For too long, the educational opportunities available to many Filipino children have been determined largely by their family’s financial circumstances or the availability of schools in their communities,” saad sa pahayag ni Acidre.
“Overcrowding and limited resources continue to affect learning conditions in many public schools. At the same time, private schools that have the capacity to accommodate more learners often remain beyond the financial reach of families who might otherwise choose them,” dagdag pa niya.
“The Basic Education Voucher Assistance Act seeks to address these challenges by empowering qualified learners and their families to choose schools that best respond to their needs and aspirations, with government assistance helping make those choices financially possible.”
Sa ilalim ng bagong batas, tutulungan ng pamahalaan ang mga kwalipikadong estudyante na magkaroon ng access sa educational opportunities, kabilang ang pag-enroll sa pribadong paaralan na maaaring lampas na sa kakayahang pinansyal ng isang pamilya.
Kinikilala rin ng batas na ang bawat estudyante ay may iba’t ibang learning needs at circumstances at hindi dapat matukoy ng financial capacity ng pamilya ang mga oportunidad na maaaring maranasan ng isang bata.
Anang mambabatas, ang tagumpay ng programa ay nakabatay sa epektibo, transparent, at equitable implementation, lalo na sa pagsigurong ang tulong ng pamahalaan ay makaaabot sa disadvantaged families.
Hindi rin dapat sukatin lamang sa dami ng voucher na maipamamahagi ang tagumpay ng batas kundi ang pagbibigay ng mas maraming access sa dekalidad na edukasyon sa mga estudyante.
Ang batas ay bahagi ng mas malawak na education reform efforts na isinusulong ng Kongreso at Second Congressional Commission on Education (Edcom II), na sumusuri sa matagal nang problema sa edukasyon sa bansa. RNT/JGC