MANILA, Philippines – Idineklara bilang ika-34 na Highly Urbanized City ang Naga City matapos aprubahan ng mga botante ang conversion nito sa isang plebisito na idinaos nitong Sabado, Nobyembre 21.
Nagsagawa kasi ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito para ratipikahan ang Proclamation No. 1267, na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Mayo 26 na nagdedeklara sa Naga City bilang HUC.
Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Leni Robredo na 30,538 botante o 82.12% ng mga boto ang bumoto pabor sa conversion ng lungsod.
“Nagueños officially approved the Highly Urbanized City (HUC) of Naga City in a plebiscite this Saturday, November 21, 2026,” sinabi ni Robredo.
Aniya, sumama ang Naga sa listahan ng mga HUC sa bansa matapos ang 78 taon ng pagiging Independent Component City.
“Thank you to every Nagueño who was part of this history,” dagdag pa niya. RNT/JGC