Home NATIONWIDE 250 pamilya apektado ng sunog sa Sta. Mesa

250 pamilya apektado ng sunog sa Sta. Mesa

1
0

MANILA, Philippines – Wala pang kumpirmasyon na may nasawi sa nangyaring sunog na nakaapekto sa humigit-kumulang 250 pamilya o 1,200 indibidwal sa Sta. Mesa, Maynila nitong Nobyembre 21, 2026.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-4:20 ng hapon at idineklarang fire out 10:09 ng gabi sa NDC Compound.

Ayon sa imbestigasyon, unang sumiklab ang sunog sa second floor ng isang residential structure sa kwarto ng tenant.

Ang bahay ay pagmamay-ari ni Daisy Brodeth Y. Morante at inookupahan ni Mae Verslyn Mazo.

Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Nananatiling undetermined ang sanhi at pinagmulan ng sunog, at patuloy itong bina-validate ng Bureau of Fire Protection.

Rumesponde sa insidente ang Plaza Avelino PCP personnel sa pangunguna ni PLT Jobert M. Patrimonio, kasama ang Sta. Mesa Police Station investigators. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here