Home NATIONWIDE 2 inaresto sa 350 gramo ng shabu sa Pagadian

2 inaresto sa 350 gramo ng shabu sa Pagadian

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9), sa pakikipag-tulungan sa PNP Zamboanga del Sur Provincial Intelligence Team (ZDSPIT), Coast Guard Intelligence Unit–Zamboanga del Sur, 90th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9, Naval Intelligence and Security Group Western Mindanao, at PNP Maritime, ang dalawang suspek sa iligal na droga at nakumpiska ang humigit-kumulang 350 gramo ng pinaghihinalaang shabu, sa F.S. Fajares Avenue, Barangay San Jose, Pagadian City.

Sinabi ng PDEA na ang mga naaresto ay kinilala sa mga alyas na “Abdul,” 34, isang drayber, at “Sabdani,” 36; pareho silang residente ng Barangay Kawit, Pagadian City.

Ayon sa PDEA sa naturang operasyon, nakumpiska ang pitong (7) pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

May tinatayang kabuuang bigat ito na 350 gramo at nagkakahalaga ng P2.38 milyon.

Nakumpiska rin ang dalawang sasakyan, mga cellphone, mga paper bag, isang eco bag, at ang perang ginamit sa buy-bust operation.

Ang mga naarestong suspek ay haharap sa mga kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nananatiling matatag ang PDEA RO9 sa kanilang pangako na paigtingin ang mga operasyon laban sa droga at palakasin ang kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya, upang protektahan ang mga komunidad mula sa banta ng ilegal na droga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here