Home METRO Magnitude 5.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Magnitude 5.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

1
0

MANILA, Philippines – Naitala ang magnitude 5.3 na lindol sa karagatang timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 22.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol dakong alas-3:54 ng hapon, may 303 kilometro mula sa Balut Island.

May lalim itong 83 kilometro at tectonic ang pinagmulan, o dulot ng paggalaw ng mga fault sa ilalim ng lupa.

Batay sa inilabas na earthquake bulletin ng PHIVOLCS dakong alas-5:06 ng hapon, walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here