MANILA, Philippines – Wala pa ring nakapag-uwi ng ₱575.9 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 matapos na walang tumama sa winning combination nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 22.
Batay sa opisyal na resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa kombinasyong 05-51-44-55-32-21 para sa jackpot na ₱575,944,129.09.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may jackpot na ₱126,805,240.84.
Ang winning combination sa naturang draw ay 12-38-29-25-44-39.
Dahil walang nakakuha ng anim na tamang numero sa dalawang laro, patuloy na madaragdagan ang kanilang jackpot sa mga susunod na draw.
Umaabot sa mahigit ₱702.7 milyon ang pinagsamang jackpot ng dalawang lotto games nitong Linggo. RNT