Home NATIONWIDE Lacson nanawagang baguhin sistema ng ayuda sa 2027 budget

Lacson nanawagang baguhin sistema ng ayuda sa 2027 budget

3
0
NAGING mabilis at organisado ang pamamahagi ng 5,000 Cash Relief Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 700 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association sa lungsod ng Malabon bilang tulong sa kabila ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Panfilo Lacson na baguhin ang sistema ng pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang 2027 national budget upang matiyak na napupunta ang tulong sa mga tunay na nangangailangan.

Sa pahayag nitong Linggo, Nobyembre 22, kinuwestiyon ni Lacson ang ₱241 bilyong alokasyon para sa iba’t ibang assistance programs na aniya ay maaaring magamit sa political patronage.

“Again, patronage ito. Kung sino yung nakakakilala. Hindi ito needs-based. Parang sponsor, kung merong padrino, yun ang nakakakuha, maski hindi sila qualified or deserving,” ani Lacson.

Partikular niyang iminungkahi na ang pondo para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) ay idaan sa Universal Health Care program sa halip na sa kasalukuyang sistema ng tulong medikal.

Kinuwestiyon din niya ang Tulong Dunong scholarship program na aniya ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga pulitiko na mamili ng mga makatatanggap ng tulong sa pag-aaral.

Nanawagan si Lacson na unahin sa 2027 budget ang mga programang may pangmatagalang pakinabang sa ekonomiya, sa halip na mga gastusing aniya ay ginagamit lamang sa pagpapapogi.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal sa 2.1% ang paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng 2026, habang umakyat sa 7.8% ang inflation noong Oktubre.

Inaasahang tatalakayin ng Senado ang panukalang 2027 budget sa susunod na linggo, kung saan igigiit ni Lacson ang kanyang mga panukalang pagbabago. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here