Home NATIONWIDE DOTr may libreng sakay sa 5 ruta sa Metro Manila

DOTr may libreng sakay sa 5 ruta sa Metro Manila

2
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at mga katuwang nitong ahensya ngayong Lunes at Martes, Nobyembre 23 at 24, upang matulungan ang mga commuter na maaapektuhan ng dalawang araw na transport strike.

Nagsimula ang Libreng Sakay alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi sa dalawang araw.

Sasaklawin ng programa ang mga sumusunod na ruta, kabilang ang mga biyahe pabalik:

-Quiapo-Cubao

-Quiapo-Doña Carmen, Commonwealth

-Quiapo-Fairview

-Taft (Buendia)-Alabang

-Commonwealth-Cubao sa pamamagitan ng East Avenue at V. Luna

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking may masasakyan ang mga manggagawa, estudyante at iba pang commuter sa gitna ng tigil-pasada.

“Kabilin-bilinan sa atin ng Pangulo na tiyaking may masasakyan ang mga kababayan natin na pupunta sa kanilang mga trabaho, eskwelahan, at sa iba pang destinasyon. Hindi dapat sila maaabala kaya magpapatupad tayo ng libreng sakay,” ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.

Pinangungunahan ng DOTr ang programa katuwang ang Office of the President, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), Department of Energy (DOE) at Philippine Army.

Inilunsad ang hakbang bilang paghahanda sa dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela na nagsimula ngayong Lunes.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here