Home METRO 3 Koreanong tulak, arestado sa buy bust

3 Koreanong tulak, arestado sa buy bust

1
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Timbog ang tatlong (3) Korean National at masabat ang nasa higit P97,000 ng suspected illegal drugs na kabilang sa apat na naaresto nitong sabado ng gabi sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Abacan Bridge Barangay Ninoy Aquino, Angeles City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ang mga naarestong/Korean National/banyagang suspek na sina alyas “Jeklee, Sunkook, at Hyun”.

Nasamsam sa mga suspek labinlimang (15) tablets ng suspected ecstacy/party drugs, na tinayang may halaga ng P25,550 at labinwalong (18) vape pods na naglalaman umano ng suspected Etomine (isang uri ng iligal na droga) na may standard drug price na P72,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong Koreano na mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here