Home NATIONWIDE Zalameda: Banta, karahasan ‘di makapipigil sa pagbibigay ng hustisya

Zalameda: Banta, karahasan ‘di makapipigil sa pagbibigay ng hustisya

11
0

MANILA, Philippines – Sa harap ng pagpatay kay Basilan Regional Trial Court Judge Joseph Wee Sit, nanindigan si Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda na hindi titigil ang hukuman para maabot ang hustisya dito.

Noong Nobyembre 12, pinatay si Judge Wee Sit sa Zamboanga City. Isang insidenteng nagdulot ng takot at galit sa buong hudikatura.

Pero para kay Zalameda, malinaw ang mensahe ng Korte Suprema na hindi nito pababayaan ang mga hukom at court personnel.

Sinabi ni Zalameda na hindi dapat maging dahilan ang anumang banta o karahasan upang matigil ang operasyon ng mga hukuman at paghahatid ng hustisya.

Nanawagan din ang Chief Justice sa lahat ng ahensya sa justice sector na magkaisa para sa ligtas na kapaligiran para sa mga hukom;
malayang pagganap ng tungkulin ng mga korte at walang patid na serbisyo sa publiko.

Giit niya, kapag tinakot ang isang hukom ay tinatakot din ang buong sistema ng hustisya.

Nais ni Zalameda na agad na matukoy ang mga salarin at ang tunay na motibo sa likod ng krimen kay Judge Wee Sit.

Hindi lang ito usapin ng isang biktima kundi usapin ng katarungan para sa lahat ng naglilingkod sa hukuman.

Bilang bagong pinuno ng hudikatura, inilatag ni Zalameda ang kanyang mga prayoridad.

Kabilang rito ang protektahan ang mga hukom at kawani, pangalagaan ang kalayaan ng hukuman at pagbutihin ang serbisyo ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here