MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang petisyon para makapagpiyansa sina Senador Rodante Marcoleta, ex-lawmaker Mike Defensor, at dalawang co-accused nitong mga negosyante.
Dahil dito ay mananatili sila sa Quezon City Jail sa Payatas.
Ang ibinasurang bail petition ay para sa plunder case sa umano’y P75 milyong donasyon.
Matatandaan na inamin ni Marcoleta na tumanggap siya ng P75 milyong kontribusyon na hindi naideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa 2025 elections.
Iginiit niya na ang mga donasyon ay naging personal funds sa ilalim ng PeƱera doctrine na nagsasabing ang isang tao ay maikokonsidera lamang na kandidato sa pagsisimula ng campaign period. RNT/JGC