Home NATIONWIDE Rollback sa gasolina, diesel epektibo bukas!

Rollback sa gasolina, diesel epektibo bukas!

2
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon na naman ng panibagong bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Nobyembre 24.

Ayon sa ulat, mababawasan ng P3 ang presyo sa kada litro ng gasolina at P2.60 naman sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikaapat na sunod ng bawas-presyo sa diesel at ikatlong linggo naman para sa gasolina.

Samantala, babawasan din ng P1.60 ang presyo sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC

Bail petition nina Marcoleta, Defensor ibinasura

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang petisyon nina Senador Rodante Marcoleta, ex-lawmaker Mike Defensor, at dalawa pang co-accused businessman nito para makapagpiyansa.

Dahil dito ay mananatili sila sa Quezon City Jail sa payatas.

Ang kanilang bail petition ay para sa plunder case sa umano’y P75 milyong donasyon.

Matatandaan na inamin ni Marcoleta na tumanggap siya ng P75 milyon ng kontribusyon ngunit hindi naideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa 2025 elections.

Iginiit niya na ang mga donasyonay naging personal funds sa ilalim ng Peñera doctrine, na nagsasabing ang isang tao ay nagiging kandidato lamang sa pagsisimula ng campaign period. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here