Home NATIONWIDE Caloocan LGU nanawagan ng kooperasyon sa mga residente vs obstruction sa kalsada

Caloocan LGU nanawagan ng kooperasyon sa mga residente vs obstruction sa kalsada

14
0

MANILA, Philippines – Ngayong umaga ng Lunes, Nobyembre 23, pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Barangay 10, kasama ang a mga mamamayan, mga katuwang na ahensya, at mga opisyales mula sa Barangay 5 hanggang Barangay 13 ng Caloocan.

Kasabay nito, nagbigay ng direktiba ang alkalde sa mga pinuno ng barangay at hiningi ang pakikiisa ng mga mamamayan sa maigting na pagpapatupad at pagsunod sa mga ordinansa ng lungsod, paglaban sa illegal parking at mga obstruksyon upang mas mabilis na makaresponde ang emergency vehicles sa anumang sakuna o kalamidad, lalo pa ngayong nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon.

“Bilang ama ng ating lungsod at kayo naman bilang mga ama at ina ng inyong barangay, kasama po sa trabaho natin ang pagdidisiplina sa ating mga kababayan. Dahil kung takot ka na magalit sayo ang tao at takot kang mawalan ng boto, wala kang karapatang mamuno,” pagdidiin ni Mayor Along.

Iginiit ng alkalde na para rin ang pagsunod sa mga ordinansa laban sa obstruction ay para rin sa kapakanan at kaligtasan ng bawat isa.

“Kung ang gagawin naman natin ay para sa ikabubuti ng lahat, tiyak ko mas marami ang matutuwa kesa sa magagalit. Para po ito sa kaligatasan ng bawat isa, kaya naman inaasahan ko po ang partisipasyon ninyo,” dagdag pa ng alkalde. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here