Home HOME BANNER STORY 2 sundalo sugatan sa sagupaan sa NPA sa Mindoro

2 sundalo sugatan sa sagupaan sa NPA sa Mindoro

2
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang sundalo matapos makaengkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Barangay San Roque, Bulalacao, sa Oriental Mindoro nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 23.

Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, commander ng Army 203rd Infantry Brigade, ang sagupaan ay nagsimula 8:35 ng umaga sa pagitan ng 1st Infantry Battalion at pitong hinihinalang rebelde sa Sitio Gatol.

Nasugatan ang dalawang sundalo sa balikat at braso ngunit nasa stable na kondisyon.

Naniniwala ang mga opisyal ng militar na may nasawi sa panig ng mga rebelde na buhat-buhat ng mga kasamahan sa kanilang pagtakas sa lugar matapos ang 15 minutong bakbakan.

Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle, ammunition at mga magazine, food supplies, at personal na gamit na naiwan ng grupo.

Tinutugis naman ng mga sundalo ang mga tumakas na rebelde. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here