Home METRO 8 wanted sa Bataan, arestado

8 wanted sa Bataan, arestado

2
0

BATAAN – Arestado ang walong indibidwal na pawang wanted person, kabilang ang dalawang kabilang sa Top 10 Municipal Most Wanted Persons (MWP), sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col. Maritess Salvadora kay Central Luzon Police Director Brig. Gen. Jess Mendez, isinagawa ang mga manhunt operation sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Anim sa mga naaresto ang nahaharap sa mga kasong paglabag sa Violence Against Women and Their Children (VAWC) Law, estafa, estafa through falsification of public documents at iba pang krimen.

Nadakip ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon sa Abucay, Samal, Morong, Pilar at Balanga City.

Samantala, nasakote rin ang dalawang Top 10 Municipal Most Wanted Person na nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o bouncing checks law at qualified theft sa mga bayan ng Limay at Orani.

Isinagawa ang mga pag-aresto sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng mga kinauukulang korte matapos matunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga akusado.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang walong naaresto para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here