Home METRO Aktibidad ng Taal, nanatiling mababa; 4 pagyanig naitala

Aktibidad ng Taal, nanatiling mababa; 4 pagyanig naitala

1
0

BATANGAS, Philippines – Naitala ng Bulkang Taal ang apat na volcanic earthquake at pagbaba ng sulfur dioxide (SO₂) emissions sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes.

Mas mababa ito kumpara sa mga naitalang pagyanig sa mga nakaraang araw: walo noong Nobyembre 23, tatlo noong Nobyembre 22, 11 noong Nobyembre 21 at 13 noong Nobyembre 20.

Bumaba rin ang sulfur dioxide emissions ng bulkan sa 314 metric tons mula sa 567 metric tons na naitala noong Nobyembre 22 at 23.

Umabot naman sa 600 metro ang taas ng mga plume mula sa Main Crater, ngunit inilarawan ng Phivolcs na mahina ang inilalabas na gas.

Wala ring naobserbahang pag-akyat ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake sa Volcano Island, na kilala rin bilang Pulo, sa gitna ng Taal Lake.

Wala ring naitalang volcanic smog o vog sa panahon ng monitoring.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang may mababang antas ng volcanic unrest. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here