MANILA, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal dahil sa umano’y pagkakasangkot sa dalawang insidente ng pambobomba bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief PMGen. Robert Morico II nitong Martes, kakasuhan ang apat sa ilalim ng Anti-Terrorism Act.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa itinuturong mastermind at ilan pang kasabwat sa mga insidente.
Noong Hulyo 27, sumabog ang isang homemade bomb malapit sa pasukan ng compound ng Department of Justice (DOJ), ilang oras bago madiskubre ang isa pang hinihinalang bomba malapit sa Senado.
Naganap ang pagsabog makalipas ang hatinggabi at walang naiulat na nasaktan.
Naganap ang dalawang insidente ilang oras bago ang nakatakdang pagbigkas ni Marcos ng kanyang taunang SONA.
Una nang sinabi ng pulisya na malaki ang posibilidad na magkaugnay ang dalawang insidente. RNT/MDS