MANILA, Philippines – Kung hahatiin sa bawat Pilipino ang mahigit P19.66-trilyong utang ng bansa, aabot sa P170,598.03 ang katumbas na bahagi ng bawat isa.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Lunes, Nobyembre 23, sa deliberasyon ng Senado para sa panukalang 2027 national budget, kasabay ng kanyang panawagang magkaroon ng malawakang pag-uusap tungkol sa kalagayang pinansyal ng Pilipinas.
Ayon kay Cayetano, batay sa datos ngayong third quarter ng taon, nasa P19.66 trilyon ang utang ng national government. Kung hahatiin ito sa 114.93 milyong Pilipino, papatak nga sa mahigit P170,000 ang utang ng bawat isa — sanggol man o matanda.
“If we really want an efficient budget, we have to see the reality on the ground,” wika ni Cayetano.
Iginiit niya na kailangang masusing suriin kung saan napupunta ang pondo ng pamahalaan at tiyaking nakabatay ang paggasta sa aktuwal na pangangailangan ng mga komunidad.
“Our economy is not going that fast but pataas nang pataas [ang] debt payment natin,” sabi niya.
Sa gitna ng deliberasyon, nagtanong si Cayetano kung may paraan ba para kusang bayaran ng isang Pilipino ang kanyang “share” sa utang ng bansa.
“Kasi I was going to ask, if every Filipino owes 170,000 pesos, where can I go if I wanna pay my share? If I wanna pay my share of the 170,000, how do I go about doing that?” tanong niya.
Sumagot si Senate Finance Committee Chairperson Sen. JV Ejercito na ang pinakamalaking ambag ng mga Pilipino ay ang pagbayad ng tamang buwis.
Pero giit ni Cayetano, hindi sapat iyon.
“That’s not true, because I’m already paying the right taxes. I want to go beyond… I want to pay my P170,000. Each Filipino owes P170,000. So my question is, if I wanted to contribute and pay my part, is there a mechanism now or wala?”
Inamin ni Ejercito na wala pang ganitong mekanismo sa ngayon.
Dahil dito, iminungkahi ni Cayetano na pag-aralan ng economic team at ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglikha ng isang opisyal na mekanismo kung saan maaaring kusang mag-donate ang mga “generous” na Pilipino para makatulong bayaran ang utang ng bansa.
Binanggit niya ang karanasan ng South Korea na minsan ay nalubog din sa utang, pero nag-donate ang mga mamamayan ng kanilang mga alahas para tulungan ang gobyerno.
“Once upon a time, Korea was in terrible debt and people didn’t just pay taxes. They got out their jewelry and donated it to the government. That happened once in history to our neighbor. Why can’t it happen to us?” ani Cayetano.
Aniya, maaaring magsimula ito sa mga mayayamang negosyante — bayaran nila ang P170,000 para sa sarili at sa kanilang pamilya.
“And what if they’re feeling generous and they have one or two kasambahay and they want to pay for it? What if one [overseas Filipino worker] in the US says, you know what, I won’t pay 3,000 [dollars], [P170 thousand] now, but you know what, for the next two years, I’ll give the Philippines 100 [dollars],” dagdag niya.
Iminungkahi rin niya ang mas malawak na pakikilahok ng pribadong sektor at publiko upang mapalakas ang ekonomiya at makatulong sa pagtugon sa mga obligasyong pinansyal ng bansa.
Gayunman, iginiit ni Cayetano na dapat itong sabayan ng responsableng paggasta at pangungutang ng pamahalaan.
“Why would I give you my P170,000 kung uutang at uutang at nanakawin din?” giit niya.
Dapat aniyang tiyakin ng gobyerno na ang mga inuutang ay may makatarungang interest rate at ginagamit sa produktibong layunin, dahil hindi lahat ng utang ay nakikinabang ang bansa.
“So it’s a vicious cycle that can be a virtuous cycle. The virtuous cycle is, Filipinos not only pay the right taxes, they go over and above and start donating,” sabi niya.
“If you do think it’s a good idea and you put up the mechanism, please let me know. I’ll bring myself and try to bring a few people to pay our 170,000, hopefully create a movement of people who want us to be debt free,” pagtatapos niya. Ernie Reyes