VALENZUELA CITY, Philippines – Arestado ang isang 51-anyos na driver matapos nitongpagnakawan ang kapwa niya driver habang natutulog ,napaulat kagabi sa Valenzuerla City.
Sa ulat ng tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, natutulog sa loob ng pinapasada niyang jeepney na nakaparada sa Karuhatan Road ang 42-anyos na biktima nang palihim na dukutin ng suspek ang kanyang wallet na naglalaman ng P150.00 dakong alas-10:15 ng gabi.
Nagising ang biktima kayat hinabol niya ang suspek na nagtatakbo patungong Karuhatan Public Market kung saan siya tuluyang nakorner.
Kaagad namang inalerto ng concerned citizen ang nagpapatrulyang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nabawi sa suspek na residente ng Marilao, Bulacan ang ninakaw na wallet at nang kapkapan, ay nakumpiska pa sa kanya ang isang kalibre .38 paltik na revolver na kargado ng isang bala na nakasukbit sa kanyang baywang.
Sinampahan na ang suspek ng kasong Theft at paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act sa Valenzuela City Prosecutor’s office. (Merly Duero)