Home METRO Lalaki, patay matapos barilin ng nakaalitan dahil sa aso sa Maynila

Lalaki, patay matapos barilin ng nakaalitan dahil sa aso sa Maynila

6
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin ng nakaalitan dahil sa aso sa Paco, Maynila.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay kalaunan dahil sa mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tiyan at kaliwang braso.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinabol umano ng aso ang dalawang batang nagbibisikleta, dahilan para matumba sa kalsada at bahagyang makagat ang isa sa kanila.

Dahil sa takot, umakyat ang isang bata sa hood ng nakaparadang sasakyan. Samantala, napadaan ang isang motorcycle rider na tumulong sa mga bata.

Ang biktima umano ang may-ari ng aso kaya pinuntahan siya ng rider, mga barangay tanod at mga bata upang komprontahin.

Ayon sa barangay, nagkaroon muna ng suntukan at habulan sa pagitan ng biktima at rider bago nauwi sa pamamaril.

Sinabi naman ni Manila Police District (MPD) spokesperson Police Major Philipp Ines na posibleng self-defense ang pamamaril dahil umano sa pagtatangka ng biktima na saksakin ang suspek.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang MPD laban sa suspek na tumakas at iniwan ang kaniyang motorsiklo.

Nanawagan si Ines sa suspek na boluntaryong sumuko dahil maaari niyang magamit sa korte bilang depensa ang mga pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here