Home METRO 4 drug personalities, timbog sa P1.36M tobats sa Parañaque

4 drug personalities, timbog sa P1.36M tobats sa Parañaque

4
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang high-value individual at tatlo nitong kasama sa buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) sa Parañaque City noong Nobyembre 23, 2026.

Dakong alas-8:38 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Room 103 ng Joey’s Apartelle Eatery sa Barangay San Dionisio.

Kinilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas na Jonath, Raymart, Marvie at Allan.

Tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon ang nakumpiska sa operasyon, batay sa standard drug price.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kabilang sa mga kasong isinampa ang paglabag sa Sections 5, 13 at 26 ng nasabing batas.

Dinala ang apat sa tanggapan ng DDEU-SPD para sa paghahanda ng mga dokumento at pagsasampa ng kaukulang kaso sa piskalya sa Parañaque City. Dave Medina/larawan kuha ni Eric Ocapan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here