Home NATIONWIDE DOH nagpaalala ng kalinisan sa mga negosyo kasunod ng viral ‘daga’ video

DOH nagpaalala ng kalinisan sa mga negosyo kasunod ng viral ‘daga’ video

8
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health sa mga food business operator na mahigpit na sundin ang tamang sanitation at food safety standards kasunod ng viral video na nakita ang isang daga sa taas ng chest freezer sa loob ng isang coffee shop sa Mandaluyong City.

Ang video ay nakuhanan ng customer noong nakaraang linggo.

Nakarating sa DOH Environmental and Occupational Health Division ang viral video at sinabing maaaring mayroong paglabag sa insidente sa ilalim ng Code on Sanitation of the Philippines, partikular ang Presidential Decree No. 856, na nag-oobliga sa mga food establishment na magpatupad ng epektibong vector control program.

Ayon kay Engr. Rolando Santiago, supervising health program officer ng DOH Environmental and Occupational Health Division, dapat siguruhin ng mga establisyimento na walang mga daga at iba pang peste sa lugar kung saan inihahand ang pagkain.

“Meaning to say na wala pong makikita daga at any point in time na maaaring magdulot ng kontaminasyon sa mga pagkain na ating orderin o ating kakainin,” ani Santiago.

“Kahit isang daga lamang ang makita, isa na itong babala na may kailangang tugunan sa sanitasyon at pest control measures ng isang food establishment,” dagdag pa ni Santiago.

Nakarating na rin sa Mandaluyong City Local Government Unit – Sanitation Section ang insidente nitong Martes, Nobyembre 24. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here