Manila, Philippines – Soon ay magkakaroon na ng manugang si Daisy Romualdez as her daughter Danita Paner is already engaged to her non-showbiz boyfriend.
Engaged na nga si Danita–younger sis of singer-actress Tina Paner–to her real estate businessman and Horsehoe
Village (in Quezon City) Barangay Kagawad lan Hernandez.
Makikita sa Instagram ang anunsyo ni Danita tungkol sa kanyang engagement which took place on a private island.
May kalakip itong caption na: “Here’s to forever with my favorite person.”
In a photo, makikitang magkayakap ang magkasintahan–na may background na “Will you marry me?”
Ibinida din ni Danita ang kanyang engagement ring na may malaking diamond.
Judging from the looks, walang dudang millions-worth ang singsing na ‘yon.
Towards the end of the video, ibinida uli ng bride-to-be ang nasabing engagement ring.
May kiss pa sa noo si Danita from her sweet boyfriend.
Ayon sa post ni lan, he and Danita have been in a relationship for three years.
Open ang kanilang relasyon dahil madalas silang dumalo sa mga fashion events.
Tulad ng kanyang Ate Tina, si Danita ay singer-actress din whose career is being managed by her mom Daisy.
Nang magdalaga, mas pinili ni Danita na luminya sa pop rock. Ronnie Carrasco III