MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang na mas marami pang senador gaya ni Senador Panfilo Lacson ang bumusisi sa proposed P7.2-trillion na badyet para sa 2027 at alisin ang mga kwestyonableng alokasyon.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, ang mga findings ni Lacson sa umano’y ghost projects at duplicate appropriations ay makatutulong na ang pondo ng bayan ay hindi masasayang o mapupunta sa bulsa ng mga korakot.
“We need more senators like Lacson to help ensure that our budget is better prepared and clean. That is the President’s directive,” ani Castro.
Hinimok niya ang senador na isiwalat pa ang kanyang findings sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maimbestigahan ng ahensya ang mga iregularidad.
“If Senator Lacson has identified ghost projects involving the multipurpose buildings he mentioned, then we should start filing cases against those responsible,” sinabi pa ni Castro.
Matatandaan na pinuna ni Lacson ang nasa 4,000 multipurpose buildings (MPBs) sa proposed budget na aniya ay nakatanggap na ng appropriations sa nagdaang taon sa kabila ng kakulangan ng aktwal na istruktura sa kanilang designated sites.
Kinwestyon din niya ang flood control projects na may double appropriations sa
2027 General Appropriations Bill.
Samantala, sinabi ni Castro na hindi papayagan ni Marcos ang mga kwestyonableng line items sa national budget.
“The president will not hesitate to veto or remove these projects from the budget if they are found to be anomalous,” aniya. RNT/JGC