Home METRO 19 durugista, P202K ‘bato’ nasabat sa Bulacan buy-bust ops

19 durugista, P202K ‘bato’ nasabat sa Bulacan buy-bust ops

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 19 indibiduwal habang nasamsam ang P202,395.00 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, tatlong suspek ang kanilang naaresto sa Brgy. Batia bandang  1:30 ng madaling araw nitong Nobyembre 25.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa operasyon ang limang sachets  ng hinihinalang shabu na nasa halagang P34,000.00, coin purse at buy-bust money.

Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon ng Pandi, Plaridel, San Ildefonso, Bulakan, Paombong, Norzagaray, Meycauayan, Angat, Obando, DRT, Malolos at Marilao police station ang 16 pang drug suspects.

Nasabat sa operasyon ang kabuuang 24.764 gramo na nagkakahalaga ng P168,395.00 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here