Home NATIONWIDE Iringan nina Cayetano, Lacson muling sumiklab sa corruption sa gobyerno

Iringan nina Cayetano, Lacson muling sumiklab sa corruption sa gobyerno

1
0

MANILA, Philippines – Tila wala nang katapusan ang iringan nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senador Panfilo Lacson na muling sumiklab sa isyu ng corruption sa buong burukrasya ng gobyerno.

Nitong Miyerkoles, ipinalabas  ni Lacson ang puna sa isang graphics cards na kumakalat sa social media na hindi kumpleto ang konstekto ng nilalaman kaya nagawang pasamain ang imahe ng lider ng minorya.

Ayon kay Lacson. hindi dapat idamay ang mga tapat na lingkod-bayan sa malawakang paglalahat ni Sen. Alan Peter Cayetano na mga magnanakaw ang opisyal ng gobyerno.

Idiniin ito ni Lacson matapos sabihin ni Cayetano nitong Martes na nawalan na ng tiwala ang publiko sa pamahalaan kaya wala nang gustong “mag-donate” upang makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.

“I speak for myself and other public servants, elected or appointed, who don’t steal public funds or take bribes: HUWAG NAMAN SANA NIYA KAMI IDAMAY,” ani Lacson sa kanyang post sa X.

Noong Martes, iminungkahi ni Cayetano na payagan ang mga Pilipino na kusang mag-ambag ng pera upang makatulong na mabawasan ang malaking utang ng bansa, na pumalo na sa P19.66 trilyon hanggang katapusan ng Setyembre.

Sa pagpapaliwanag ng kanyang panukala, sinabi niyang mas magiging handang mag-ambag ang mga Pilipino kung matitiyak na hindi mapupunta sa korapsyon ang kanilang mga donasyon. “The sentiment now is lahat tayo magnanakaw, lahat kayo, lahat tayo magnanakaw sa gobyerno,” aniya.

Dahil dito, hinimok naman ng Malacañang si Cayetano na mag-lead by example.  Sinabi ni Palace press officer Claire Castro na “it would be better for us to see Senator Alan Cayetano himself starting it.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Lacson na bagama’t malaking problema pa rin ang korapsyon sa gobyerno, hindi ito dapat maging batayan sa paghusga sa lahat ng lingkod-bayan dahil may mga tapat na lingkod-bayan sa bawat antas at sangay ng pamahalaan.

“I beg to disagree. Such a statement is far too sweeping. Corruption may exist across the bureaucracy, but it does not define everyone. There are exceptions at every level and in every branch of government – the Executive, the Legislature, and the Judiciary,” pahayag ni Lacson sa X, bilang tugon sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na “has embedded itself deep within the DNA of the government” ang korapsyon.

Mula nang pumasok sa serbisyo publiko bilang alagad ng batas noong 1971, mahigit limang dekada nang naglilingkod sa pamahalaan si Lacson at patuloy na nakikipagtulungan sa mga kapwa lingkod-bayan na may kaparehong paninindigan sa paglaban sa krimen, korapsyon at iba pang uri ng katiwalian.

Nagkulang sa konstekto

Kasabay nito, binatikos ng tanggapan ni Cayetano ang isang graphics na may pangalan sa Facebook na Pampangan Today na siyang nag-uugnay sa pahayag na “Lahat tayo magnanakaw, lahat kayo, lahat tayo magnanakaw sa gobyerno” sa November 24 Facebook Live ni Senator Alan Peter Cayetano.

Ayon sa ibinigay na transcript, ang eksaktong mga salita ay binanggit sa kanyang November 23 Senate interpellation, at sinundan ito ng: “The sentiment is so much distrustful sa government, the sentiment now is…” Inilalarawan niya ang kawalan ng tiwala ng publiko, hindi niya inaakusahan ang lahat ng lingkod-bayan na nagnanakaw.

Mahalaga ang pagkakaibang ito. Ipinaliwanag ni Cayetano kung bakit maaaring makapagpahina ng loob ang kawalan ng tiwala sa boluntaryong kontribusyon para sa pambansang utang.

Sa kanyang November 24 livestream, tinawag niya ito na “a crisis of confidence, a crisis of trust” at sinabing ang muling pagbuo ng tiwala ay nangangailangan ng tamang paggastos at mahigpit na pagbabantay sa mga utang.

Hindi isinama ng graphic ang qualifier at mali ang pagkakakilanlan sa event. Hinihiling ng Tanggapan sa page na itama ang attribution at pinaalalahanan ang mga media organization at social media page administrators na i-verify ang mga quote at panatilihin ang konteksto. Nasa Senate portal ang mga recording ng parehong session.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here