TARLAC, Philippines – Pinangunahan nina Batangas State University (BatStateU) President Dr. Tirso A. Ronquillo at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Ariel F. Nepomuceno ang groundbreaking ceremony para sa The National Engineering University–BatStateU New Clark City Campus.
Bahagi ng proyekto ang industry-based learning framework na bubuuin kasama ang mga katuwang na kumpanya at industriya.
Layunin nitong ihanda ang mga Pilipinong inhinyero at technologist para sa mga umuusbong na larangan gaya ng semiconductors, aerospace, artificial intelligence, robotics at advanced manufacturing. DANNY QUERUBIN