ZAMBALES, Philippines – Umabot sa sampung (10) drug suspek ang naaresto ng mga awtoridad, habang tinatayang nasa halos P360,000 na halaga ng suspected shabu ang nasasam sa ikinasang serye ng buybust operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Batay sa ulat ni Zambales Police Officer-in-Charge Col.Dexter Versola Kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nadakip ang mga suspek sa apat na Araw na serye ng operasyon kontra iligal na droga sa mga bayan ng Masinloc, Subic, Castillejos, Candelaria, IBA, Palauig, at Sta.Cruz, Zambales.
Nasamsam sa mga suspek ang mga pakete ng suspected shabu na sa Kabuuan ay aabot sa standard drug price na P359,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)