Home METRO 2 puganteng SoKorean, arestado sa Cavite

2 puganteng SoKorean, arestado sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang dalawang South Korean national na kapwa wanted sa kanilang bansa dahil sa magkahiwalay na kasong may kaugnayan sa fraud sa isinagawang joint operation sa General Trias City, Cavite.

Kinilala ng Bureau of Immigration (BI) ang mga naarestong suspek na sina Jonghun An, 25, at Jin You, 29, na kapwa residente ng Sabela Village sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-12:30 ng hapon ng mga operatiba ng Police Intelligence Unit (PIU), sa pangunguna ni PLCol Alfonso Saligumba III, katuwang ang BI, Naval Intelligence at Korean Interpol.

Isinilbi sa dalawa ang Interpol Red Notice at inaresto ang mga ito sa kanilang tinutuluyang bahay.

Nahaharap si An sa kasong paglabag sa Article 15-2(1) ng Special Act on the Prevention of Loss Caused by Telecommunications Based Financial Fraud and Refund for Loss.

Samantala, kinasuhan naman si You ng paglabag sa Article 3-1 ng Act on the Aggravated Punishment of Specific Economic Crimes kaugnay ng fraud.

Nasa kustodiya na ng BI ang dalawa habang inaayos ang kanilang mga dokumento para sa pagbabalik sa South Korea. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here