Home NATIONWIDE Bahaghari, nanawagan ng mas mahigpit na hakbang vs human trafficking,  karahasan

Bahaghari, nanawagan ng mas mahigpit na hakbang vs human trafficking,  karahasan

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng gender identity advocacy group na Bahaghari ang pamahalaan na palakasin ang mga hakbang laban sa human trafficking at gender-based violence kasunod ng naiulat na seksuwal na pagsasamantala sa mga transgender na menor de edad sa Navotas City.

Walong indibidwal, kabilang ang apat na transgender na edad 15 hanggang 16, ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa isang resort sa Navotas. Dalawang lalaki naman ang naaresto sa operasyon.

Ayon sa Bahaghari, bukod sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek, kailangang tugunan ng pamahalaan ang mga kondisyong naglalagay sa mga marginalized sector, partikular sa mga transgender, sa panganib ng pagsasamantala.

“Transphobia and employment discrimination further restrict their access to decent work and stable sources of income, while discrimination in educational institutions, workplaces, and even within their communities limits their opportunities for economic independence,” ayon sa pahayag ng grupo nitong Miyerkules ng gabi.

Dagdag pa ng grupo, ang magkakaugnay na uri ng diskriminasyon ay maaaring magtulak sa mga transgender sa hindi tiyak na kalagayan, kung saan mas nagiging bulnerable sila sa pang-aabuso, pamimilit at pagsasamantala.

Nanawagan ang Bahaghari ng tuloy-tuloy at madaling ma-access na mga programa upang labanan ang transphobia, diskriminasyon sa trabaho, hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya at kakulangan ng social protection, na higit na nakaaapekto sa kababaihan at LGBTQIA+ communities.

Binigyang-diin din ng grupo na dapat magkaroon ang mga nasagip ng sapat na psychosocial support, serbisyong isinasaalang-alang ang kanilang trauma at gender identity, tulong legal, pagkakataong maipagpatuloy ang pag-aaral at pangmatagalang kabuhayan.

Iginiit din nitong hindi dapat makaranas ang mga nasagip ng panibagong diskriminasyon, paninisi o kriminalisasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here