Home HOME BANNER STORY VP Sara, dumalo sa Senate session; sinalubong nina Gatchalian, Zubiri

VP Sara, dumalo sa Senate session; sinalubong nina Gatchalian, Zubiri

3
0

MANILA, Philippines – Personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa sesyon ng Senado nitong Huwebes, Nobyembre 26, kung saan sinalubong siya nina Senate President Win Gatchalian at Senate Majority Leader Migz Zubiri pagpasok sa session hall.

Matatandaang kinuwestiyon ni Gatchalian ang pagliban ni Duterte sa committee-level deliberations ng panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027.

Sa pagdinig noong Oktubre 20, tinanong ni Gatchalian si Lopez kung nasaan ang Bise Presidente. Ipinaliwanag naman ni Lopez na kinatawan ni Duterte ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa inurnment ng isang dating city planner ng Davao City.

Binigyang-diin noon ni Gatchalian na nakasanayan nang personal na dumalo ang mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan upang ipagtanggol ang kanilang hinihinging pondo sa Kongreso.

Inaasahan din ng ilang senador na personal na haharap si Duterte sa plenary deliberations ng 2027 budget ng OVP matapos nitong hindi daluhan ang mga naunang budget hearing sa Senado at Kamara. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here