Home NATIONWIDE MMDA, hiniling sa DPWH na alisin mga barrier sa EDSA dahil sa...

MMDA, hiniling sa DPWH na alisin mga barrier sa EDSA dahil sa panganib sa kalsada

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na alisin ang lahat ng barrier na inilagay sa kahabaan ng EDSA para sa isinasagawang road rehabilitation dahil sa pangambang magdulot ang mga ito ng aksidente.

Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, kumilos na ang ahensya nitong Miyerkules upang alisin ang ilan sa mga barrier na inililipat-lipat habang nagpapatuloy ang roadworks.

“Kung di ka naman regularly dumadaan or dumadaan ka doon regularly, mabubulaga ka,” ani Artes.

Kinumpirma rin ng MMDA na natanggap nito ang liham ni Transportation Secretary Vince Dizon tungkol sa planong ilipat sa Department of Transportation (DOTr) ang pangangasiwa sa mga footbridge sa EDSA.

Gayunman, sinabi ni Artes na kailangan pa nilang pag-aralan ang panukala dahil may mga CCTV camera at power cable na nakakabit sa mga footbridge.

Samantala, palalawigin simula sa susunod na linggo ang oras ng trabaho ng mga traffic enforcer ng MMDA bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan sa panahon ng Christmas rush. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here