CAVITE, Philippines – Sinampahan ng kasong grave threats ang isang barangay captain matapos umano niyang tutukan ng baril ang isang kagawad sa Barangay San Rafael III, Noveleta, Cavite.
Kinilala ang inireklamong kapitan sa alyas na “Milando,” habang ang nagreklamong kagawad ay si alyas “Romeo.”
Batay sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-10 ng umaga noong Nobyembre 13, habang nag-uusap ang dalawa na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Ayon sa reklamo ng kagawad, tinutukan umano siya ng baril ng kapitan sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo.
Naghain ng kasong grave threats ang kagawad sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus City, Cavite. Margie Bautista