Home NATIONWIDE DOLE, naghahanda sa posibleng pagkawala ng trabaho dahil sa AI

DOLE, naghahanda sa posibleng pagkawala ng trabaho dahil sa AI

1
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng epekto ng artificial intelligence (AI) sa trabaho ng libo-libong Pilipino, partikular sa business process outsourcing (BPO) sector.

Kinikilala ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino na may mga trabahong posibleng mapalitan ng AI, lalo na sa mga industriyang direktang naaapektuhan ng automation.

Ayon kay Tolentino, mahalagang mapaghandaan ang pagbabagong ito upang hindi maisantabi ang mga manggagawa at matukoy kung paano magagamit ang AI bilang katuwang sa halip na kapalit ng kanilang kakayahan.

Patuloy namang kumukuha ang DOLE ng mga mungkahi mula sa mga human resource practitioner at iba pang sektor upang makabuo ng mga hakbang na tutugon sa pagbabago ng labor market.

Binigyang-diin ni Tolentino na dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, kailangang maging handa ang pamahalaan, mga employer at manggagawa sa posibleng pagbabago sa mga trabaho at kinakailangang kasanayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here