Home HOME BANNER STORY Number coding, suspendido sa Bonifacio Day, Nob. 30 — MMDA

Number coding, suspendido sa Bonifacio Day, Nob. 30 — MMDA

1
0

MANILA, Philippines — Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa Metro Manila sa Lunes, Nobyembre 30, 2026, bilang paggunita sa Bonifacio Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa abiso nitong Biyernes, Nobyembre 27, sinabi ng MMDA na hindi ipatutupad ang number coding sa naturang araw dahil idineklara itong regular holiday bilang paggunita sa kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.

“Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa Lunes, Nobyembre 30, 2026, isang regular holiday upang gunitain ang kabayanihan ni Gat. Andres Bonifacio,” ayon sa MMDA.

Nilinaw ng ahensya na awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing may opisyal na regular holiday at special non-working holiday.

Dahil dito, maaaring bumiyahe ang mga sasakyang karaniwang saklaw ng number coding sa Metro Manila sa Nobyembre 30 nang hindi napapailalim sa naturang restriksyon.

Pinapayuhan pa rin ang mga motorista na sumunod sa iba pang umiiral na batas-trapiko at mga regulasyon sa kalsada. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here