MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senador Joel Villanueva si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagselfie kay dismissed Mayor Alice Guo.
Isinagawa ni Villanueva ang pagbatikos kina Abalos at ilang NBI agents matapos mag-viral ang selfie photos ni Alice Guo sa ilang NBI agent matapos ito makustodiya paglabag ng bansa.
Kinastigo din ni Villanueva sa kawalan ng propesyunalismo ni Abalos na pumayag mag-selfie sa isang pugante na may umiiral na warrant of arrest hinggil sa ilang krimen na kinasasangkutan ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac.
“So unprofessional,” ayon kay Villanueva sa Viber message sa reporter matapos ilang oras na imbestigasyon ng Senado sa pagtakas ni Guo sa Pilipinas.
“Seriously, do you want to take a picture with this treacherous fugitive!” aniya.
Ipinamahagi ni Villanueva ang kopya ng litrato ng ilang opisyal ng NBI na nag-selfie sa loob ng sasakyan.
Namigay din si Villanueva ng isang photo ng isang NBI office na nag-selfie kasama si Guo at Interior Secretary Benhur Abalos.
Inaresto si Guo sa Indonesia nitong Miyerkoles matapos tumakas ng bansa upang iwasan ang ilang patong-patong na kasong kinahahara nito sa Pilipinas kabilang ang human trafficking at money laundering sa operasyon ng illegal na POGO. Ernie Reyes