Home NATIONWIDE Abante, humingi ng tulong sa NBI vs fake news

Abante, humingi ng tulong sa NBI vs fake news

1
0

MANILA, Philippines – Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. nitong Biyernes upang maimbestigahan ang umano’y mapanirang alegasyon laban sa kanya online at posibleng magsampa ng kasong cyberlibel laban sa mga sangkot na vlogger.

Personal na nagtungo si Abante sa tanggapan ni NBI Director Melvin Matibag kaugnay ng tinawag niyang mga “below-the-belt” na alegasyon sa social media.

“I just requested na maimbestigahan kasi below the belt na eh: yung mga kasinungalingan, mga kalokohang ginagawa… Congressman tayo. Hindi mo naman maaalis na hindi lahat eh may gusto no? Pero pag below the belt na yung ginagawa sayo, dapat talagang bigyan ng closure to eh,” ani Abante sa panayam ng mga mamamahayag.

Ayon sa kongresista, halos isang linggo nang kumakalat ang mga umano’y maling impormasyon at nangangalap na sila ng ebidensya laban sa mga nasa likod nito.

Gayunman, tumanggi muna siyang magbigay ng karagdagang detalye habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng NBI.

Nang tanungin kung sino ang mga nasa likod ng umano’y pag-atake, sinabi ni Abante na posibleng lima hanggang 10 vlogger ang sangkot, ngunit hindi pa nila natutukoy ang kanilang mga pagkakakilanlan.

“I think mga vloggers. Di ko alam kung sino mga yan… We’re still trying to find out who… Siguro mga five to 10 [vloggers],” aniya.

Hinimok naman ni Abante ang mga kritiko na kung may nais silang sabihin laban sa kanya, gawin ito nang tapat at batay sa katotohanan.

“Kung kayo galit sakin, mayroon kayong gustong sabihing di maganda, sabihin niyo, pero let’s be truthful about it at be honest about it. Wag kayong fake news… Sana naman tigilan na yung mga ganung kasinungalingan, yung dishonesty– tigilan na yung mga below the belt,” diin ng mambabatas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here