Home NATIONWIDE Paghila ng China sa BRP Sierra Madre, ituturing na ‘act of war’...

Paghila ng China sa BRP Sierra Madre, ituturing na ‘act of war’ – Teodoro

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Biyernes na ituturing na isang act of war ang anumang pagtatangka ng China na hilahin palayo ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

“Any threat against BRP Sierra Madre will be taken very seriously because it will be an act against a military vessel of the Republic of the Philippines,” ani Teodoro sa isang virtual interview sa mga mamamahayag.

Kasunod ito ng ulat ng isang Chinese media outlet na nakabase sa Maynila na pinag-iisipan umano ng Beijing ang paghila sa barko bilang bahagi ng mga posibleng hakbang nito laban sa Pilipinas.

Nagsisilbing outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre, isang barkong pandigma na nakasadsad sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here