MANILA, Philippines- Itinalaga si Abdulraof Macacua na bagong interim chief minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro ang appointment ni Macacua.
Miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) mula 2019, si Macacua ay isa sa commissioners ng Bangsamoro Transition Commission sa ilalim ng Office of the President-Bangsamoro Transition.
Pinamunuan ni Macacua ang dalawang statutory committees sa BTA, tulad ng Committee on Environment, Natural Resources and Energy, and Committee on Public Works.
Pinangunahan din niya ang cluster cabinet committee na nakatalagang bumalangkas sa Bangsamoro Electoral Code, kilala rin bilang Cabinet Committee on Electoral Code.
Siya ay senior leader ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at nagsilbing Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces of MILF. RNT/SA