Home NATIONWIDE Abogado, OFW naghain ng petisyon vs ICC probe

Abogado, OFW naghain ng petisyon vs ICC probe

MANILA, Philippines – Nagsampa ng petisyon sa mababang korte ang isang abugado na kumukwestyon sa karapatan ng International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon sa mga naganap na pagpatay sa bansa bunsod ng anti-drug war ng dating Duterte administration.

Sa inihaing petisyon sa Calbayog City Regional Trial Court (RTC) hiniling ng abugadong si Fernando Perito at kapwa petitioner na si Joseph Forrosuelo isang overseas Filipino worker (OFW) na ideport ang sinumang tauhan ng ICC na nasa bansa na.

Nais din ng dalawang petitioner na magpalabas ang korte ng preliminary injunction laban sa imbestigasyon ng ICC.

Iginiit sa petisyon na magdudulot ng malubhang pinsala sa demokrasya at justice system ng bansa kung papayagan ang prosecutor, investigator, o sinumang kinatawan ng ICC na makapasok ng Pilipinas.

Kabilang sa itinuring na respondents sa petisyon ay si ICC chief prosecutor Karim Khan.

Una nang iginiit ng Office of the Solicitor General na hindi obligado ang Pilipinas na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.

Sa gitna ito ng resolusyon ng kongreso na naghihikayat sa pamahalaan na makipagtulungan sa ICC investigation.

Binigyan-diin ni Solicitor General Menardo Guevarra na walang ligal na tungkulin ang Philippine government na makipag-cooperate sa ICC prosecutor dahil wala na itong hurisdiksyon matapos kumalas ang bansa sa ICC noong 2019. Teresa Tavares

Previous articleNPA wala nang aktibong guerilla front – NTF-ELCAC
Next articleHealth protocols ipatutupad sa Translacion