Home NATIONWIDE Abot-kayang gamot para sa mga senior pinaplantsa ng FDA, BIR

Abot-kayang gamot para sa mga senior pinaplantsa ng FDA, BIR

MANILA, Philippines- Nakikipagtulungan ang Food and Drug Administration (FDA) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na maibaba ang presyo ng mga gamot para sa senior citizens sa pamamagitan ng exemption mula sa value-added tax (VAT).

Sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na paiiralin ang exemption sa VAT coverage sa pamamagitan ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) o Republic Act (RA) No. 11534

Ang RA 11534 ay nagbibigay ng VAT exemption sa ilang mga gamot para sa hypertension, cancer, sakit sa pag-iisip, tuberculosis, sakit sa bato, diabetes, mataas na kolesterol, gayundin sa mga gamot sa COVID-19 at medical devices.

Sinabi ni Zacate na alinsunod sa CREATE Law, inatasan ang FDA na tukuyin at ipadala ang listahan ng aprubadong gamot para sa VAT exemption sa ibang implementing agencies tulad ng BIR.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R.Marcos sa FDA na magpatupad ng 20 porsyentong discount at VAT exemption para sa senior citizens sa ilalim ng RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKelot tiklo sa rape!
Next articlePagbuhay, pagpapaunlad ng salt industry naisabatas na – Villar