Home METRO Abra de ilog-Puerto galera road, bukas na!

Abra de ilog-Puerto galera road, bukas na!

1
0

MINDORO, Philippines – Muling binuksan noong Biyernes, Setyembre 25, ang Abra de Ilog–Puerto Galera Road sa Sitio Lukutan, Barangay Udalo, Abra de Ilog matapos ang clearing operations kasunod ng malawakang landslide at rockfall.

Gayunman, nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na delikado pa rin ang lugar dahil sa isang malaking batong hindi matatag na nakapuwesto sa gilid ng kalsada.

“There is a possibility of soil erosion and falling rocks, including a large boulder that remains a hazard to those passing through,” ayon sa DPWH Mimaropa.

Ayon sa mga geologist, dulot ng magnitude 5.6 na lindol at matagal na pag-ulan ng habagat ang pagguho at pagkatanggal ng mga bato.

Pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat at iwasang dumaan sa lugar kapag malakas ang ulan dahil mataas ang panganib ng panibagong landslide at rockfall.

“The public is encouraged to stay alert and comply with the advisories issued by the proper authorities to ensure everyone’s safety,” pahayag ng DPWH. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here