Manila, Philippines – Iginiit ni Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update online show na base sa nakarating na tsika sa kanya, there is no truth to the rumors na may offer ang ABS-CBN kay Jennylyn Mercado.
Nagsimula itong kumalat nang magkaroon ng recording ang Kapuso actress sa Star Music.
Ikinunek na rin ito agad sa balitang interesado ang TV network sa kanya, bagay na binigyang linaw ni Ogie.
Ogie cited as his sources as coming from the station themselves.
Lalo pang nabuo ang haka-haka ng paglipat ni Jennylyn nang hindi siya mapasama sa station ID ng GMA.
Nauna nang pinakalma ng isang may katungkulan sa management office ni Jen na hindi pumuwede ang schedule nito.
Samantala, mismong ang mga tao sa ABS-CBN ang nagsabing kung sakali man daw na may problema si Jen sa GMA ay hindi nila para i-take advantage ‘yon as in to pursue.
Ito’y sa dahilang nagsimula nang mag-collab ang noo’y warring TV networks via the series Unbreak My Heart.
If ever daw na lalabas si Jen sa ABS-CBN ay collaborative project ‘yon.
As it is now, hindi rin totoong may offer ang Dreamscape Entertainment kay Jen. Ronnie Carrasco III