Home Uncategorized ACT Teachers partylist: Kapakanan at karapatan ng mga guro patuloy na ipaglalaban

ACT Teachers partylist: Kapakanan at karapatan ng mga guro patuloy na ipaglalaban

222
0
ACT Teachers Partylist, naghain na ng Certificate of Candidacy. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Patuloy pa rin na magiging tinig ng mamayan ang ipaglalaban ang karapatan ng mga guro, kawani, estudyante sa loob ng Kongreso ang ACT Teachers sakaling mabigyan ito ng pagkakataong manalo ulit.

Sa kanilang paghahain ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN), sinabi ng ACT-Partylist na marami na silang naipasa na batas.

Kabilang rito ang libreng tertiary o college education sa buong bansa, election service reform act na ginawang voluntary ang election service sa mga guro at 10,000 chalk allowance law saka ang National Teachers Day law at marami pang batas.

“May konkretong track rekord tayo sa pagpasa ng batas. Kung makukuha muli ang suporta ng mamayan ay ipagpapatuloy natin ang paglilingkod sa bayan.”

Ang ACT Teachers ang naglantad sa pork barrel at confidential intelligence fund. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here