Home NATIONWIDE ‘Misdeclaration’ ng vape products wawakasan ng BIR

‘Misdeclaration’ ng vape products wawakasan ng BIR

MANILA, Philippines – HANGAD ng Bureau of Internal Revenue na tuldukan na ang ‘misdeclaration’ ng vape products sa gitna ng two-tier excise tax sa e-cigarettes.

Pinag-aaralan din ng Kawanihan na magpataw ng mas mataas na rate ‘by default’ maliban na lang kung mapatutunayan ng manufacturers na hindi dapat.

“We’re examining ways to address loopholes in the system and are coordinating with lawmakers to develop more effective regulations,” ang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa isang news forum sa Maynila.

“Given the industry’s novelty and the varying formulas used by its players, we’re working to establish new regulations and refine existing ones.”ayon pa rin kay Lumagui.

Sinabi naman ni Bienvenido Oplas, pangulo ng
Minimal Government Thinkers Inc., sa kaso ng vape industry, ang technical smuggling ay dulot ng iba’t ibang tax rates para sa nicotine salt at nicotine freebase.

May ilang vape companies ang nagsasabi na ang kanilang mga produkto ay freebase pero ang totoo ay nicotine salt, ito’y para makaiwas sa pagbabayad ng mas mataas na buwis.

Sinabi pa ni Oplas na bagama’t mas gusto niya na alisin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, nangangailangan naman ito ng batas.

Aniya, bilang mabilis na solusyon, maaaring I-charge o ikarga ng BIR ang kaparehong rate sa nicotine salt at freebase sa pamamagitan ng ‘administrative issuance.’

“Technical smuggling is a form of misdeclaration,”ang sinabi ni Oplas sabay sabing “For example, nicotine salt and freebase liquid have different import duties. The significant difference suggests that many importers declare products as freebase to avoid higher tariffs. Nearly 100 percent of declarations are for freebase, even though the actual product may be nicotine salt.”

Tinuran pa ni Oplas na ang bumababang excise tax collection mula tobacco at vape products ay dahil sa tumataas na tax rates, na aniya’y dahilan para mahikayat ang ‘smuggling.’

Binigyang diin ni Lumagui ang pangangailangan na labanan ang ‘smuggling, illicit trade, misdeclaration, at tax evasion’ na iniuugnay sa vape products.

“The vape industry and cigarette companies must comply,” ayon kay Lumagui.

“The BIR is ready to assist all stakeholders in complying and paying the correct taxes.”ang sinabi pa rin ni Lumagui.

Sa kabilang dako, ipinanukala naman ni Atty. Leon P. Mogao Jr., hepe ng Intellectual Property Rights Division ng Bureau of Customs, na “that importers pay P54.60/ml as default and prove that their product is freebase to be assessed with a P63/10 ml freebase rate.”

Winika pa ni Mogao na ang BOC ay agresibong nagsasagawa ng mga ipinatutupad na operasyon laban sa illicit vape products.

“In fact, for the period 2023 up to August of this year, the BOC has already seized or apprehended vape products without legitimate papers with an estimated value of P6.5 billion,” ang sinabi ni Mogao.

“Based on records, it appears that these vape products mostly came from China. Many of these products were confiscated in the southern borders, particularly Zamboanga,” aniya pa rin.

Samantala, tinukoy naman ni Joey Dulay, pangulo ng Philippine E-Cigarette Industry Association, ang pangangailangan para sa tamang laboratory testing ng nicotine products.

Ipinanukala ni Dulay na bago pa aprubahan ang marka o tatak ng Philippine Standard, ang vape traders ay dapat na mag-provide ng patunay o patotoo na ang kanilang produkto ay nicotine salt o freebase sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang accredited laboratory.

Sinabi ni Dulay na ang ganap na implementasyon ng batas ay nagsimula noong September 2024, kasunod ng 18-month transition period, na nagbigay sa industry players ng panahon upang isumite ang mga kinakailangang dokumento.

Sinabi ni Lumagui na patuloy na ipatutupad ng BIR ang Vape Law para masiguro na ang lahat ng industry players ay nagbabayad ng tamang buwis.

Sinabi nito na nawalan ng bilyong piso ang gobyerno dahil sa smuggling at illicit trade ng sigarilyo at vape products. RNT