Home NATIONWIDE Pia Cayetano naghain na ng COC, muling tatakbo sa Senado

Pia Cayetano naghain na ng COC, muling tatakbo sa Senado

Naghain ng Certificate of Candidacy si Senador Pia Cayetano para sa kanyang 2nd Term bilang Senador sa Partido ng National People Coalition habang kasama ang kanyang kapatid na Senator Alan Cayetano. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Bago naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm election ay pinangunahan muna ni re-electionist Senador Pia Cayetano ang isang bike ride.

Ang senadora na may dalawang dekadang mahusay na track record ay patuloy sa kanyang adbokasiya para sa sustainable transportation at health and welllness.

Nakiisa at sumama sa bike ride ang humigit kumulang 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay City at nagtipon-tipon sa Cultural Center of the Philippines bago tumulak sa The Manila Hotel Tent.

Nagpakita rin ng suporta ang mga benepisyaryo ng programang presyo, trabaho, kita/kaayusan (PTK) .

Bilang isang working mother, anak, at babae ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga kababaihan at pamilya, at humubog sa kanyang gawain bilang senadora.

Marami na rin siyang naisulong na mga batas tulad ng Rare Disease na nagbibigay ng suporta sa mga pasyenteng may bihirang sakit, at ang Magna Carta of Women, na nagtataguyod ng pantay na karapatan at oportunidad para sa kababaihan.

Nanguna rin ang senadora sa pagpapasa ng mahahalagang batas sa larangan ng healthcare, edukasyon, at ekonomiya. Kabilang dito ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act, Anti-Age Discrimination in Employment Act, Expanded Breastfeeding Promotion Act, Universal Health Care Act, at ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, bukod sa iba pa.

Sa kanyang muling pagtakbo, layunin niyang ipagpatuloy ang pagsusulong ng sustainable development, pinalawig na access sa healthcare, dekalidad na edukasyon, at pag-unlad ng sports.

Si Senadora Cayetano ay kasalukuyang Chairperson ng Senate Blue Ribbon at Energy Committees, at Senior Vice Chair ng Finance Committee. Dating pinamunuan din niya ang mga komite sa Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking; Ways and Means; Health and Demography; Education, Arts, and Culture; at iba pa.

Patuloy din niyang isinusulong ang dagdag pondo para sa edukasyon, healthcare, sining, kultura at kasaysayan, at sports.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ay naabot ang pinakamataas na budget para sa higher education, kabilang ang dagdag na pondo para sa mga medical schools upang tugunan ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa. Isinulong din niya ang mga scholarship upang gawing mas abot-kaya ang edukasyon.

Sa larangan ng kalusugan, siniguro ni Senadora Cayetano ang pondo para sa mahahalagang healthcare infrastructures tulad ng mga ospital, super health center, pati na ng mga kinakailangang medical equipment para sa mga ito.

Pagdating sa sining, kultura at kasaysayan, binigyang tuon niya ang pangangalaga at conservation works; at tinugunan ang ilang prayoridad tulad ng fire protection system para sa National Library of the Philippines. Jocelyn Tabangcura-Domenden