Home ENTERTAINMENT Actor-producer Tony Boy Dela Rea, balik-hospital!

Actor-producer Tony Boy Dela Rea, balik-hospital!

219
0
Screenshot

Manila, Philippines – Dinalaw namin ang actor/producer na si Tony Boy Dela Rea, ng Paghilom movie, sa St. Luke’s Hospital, E. Rodriguez Ave., Quezon City noong Huwebes nang hapon, January 8, 2026.

Ika-tatlong (3) araw ng confinement niya sa St. Luke’s.

Sabi ng attending physician, may Pneumonia ang aktor.

Dahil ikatlong araw na under medication, wala na siyang ubo. Malinaw na siyang magsalita.

Di tulad nu’ng unang araw ng confinement, hirap siyang magsalita nang nakausap ko sa video chat.

Inaasahang matatagalan ang hospitalization niya.

May mga minor operation na gagawin sa kanya para sa kanyang regular dialysis na tatlong beses isang linggo.

Habang nasa ospital, hangad ni Tony Boy na dumalaw ang kanyang mga kaibigan sa kanya. Noel Asinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here