Manila, Philippines – Iniulat ng The Star Scoop na pinaplanong tumakbo bilang Presidente ng bansa ang dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary na si Ralph Recto.
Ang susunod na halalan ay sa May 2028.
Patanong ang ulat sa napipintong pagtakbo ng mister ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Marahil, ang pahayag niyang ito ang ginamit na basehan: “Gagawin ko ang lahat para maibalik ang tiwala ng taumbayan!”
Handa daw siyang gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahlaan.
Susi daw sa muling pagpapalakas ng kumpiyansa ng publiko ang malinaw na aksyon, pananagutan at maayos na pamamahala.
Binigyang-diin din ni Recto ang kahalagahan ng tapat na paglilingkod at konkretong resulta para sa mamamayan.
Kasabay nito’y ang matinding bashing na inaabot ni Vilma kaugnay ng panawagang papanagutin ang mister sa ilang bilyong pondo ng Philhealth na ipinalipat sa national treasury.
Mas lamang naman ang negatibong reaksyon sa pagtakbo ni Recto.
Marami rin ang may ayaw kay Vilma kung sakaling palarin ang mister sa inillusyong puwesto. Ronnie Carrasco III