Home ENTERTAINMENT Acts of lasciviousnes vs 2 independent contractor ng GMA ibinasura ng korte

Acts of lasciviousnes vs 2 independent contractor ng GMA ibinasura ng korte

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang kasong acts of lasciviousnes na isinampa ng actor na si Sandro Muhlach laban sa mga independent contractor ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Kinatigan ng Pasay City Court Branch 46 ang motion to quash nina Nonez at Cruz sa dalawang bilang ng acts of lasciviousness laban sa kanila.

Sa desisyon ng korte, ang isinampang kaso na acts of lasciviousness ay “overkill” dahil isa itong elemento sa kasong rape at sexual assault na inihain ng Department of Justice sa Pasay Regional Court.

Nitong nakaraang taon, inireklamo ng isang aktor sina Nonez at Cruz dahil sa ginawa umanong pangmomolestiya sa kanya sa loob ng kwarto sa isang hotel matapos ang pagdalo nila sa isang event sa GMA. Teresa Tavares