MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health ang 9% pagtaas ng kaso ng non-communicable diseases (NCD) sa panahon ng kapaskuhan, kung saan acute stroke ang nangungunang sanhi ng kamatayan.
Ayon sa surveillance mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026, naitala ang 349 kaso, mas mataas kumpara sa 319 kaso noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, 205 kaso ang namatay dahil sa acute stroke, 95 sa acute coronary syndrome, at 49 sa bronchial asthma.
Karamihan sa mga cardiovascular emergency ay nasa matatanda, habang ang asthma ay pangunahing naapektuhan ang mga bata.
“Karamihan sa kaso ng Acute Coronary Syndrome ay nasa edad 50 pataas,” ani DOH, at “Nasa edad 40 hanggang 79 na taong gulang naman ang pinaka-naapektuhan ng Acute Stroke.”
Ang mga batang may edad 0 hanggang 9 taon ang pinaka-apektado ng asthma. RNT